Descargar Imprimir esta página

natus Echo-Screen III Instrucciones De Uso página 204

Ocultar thumbs Ver también para Echo-Screen III:

Publicidad

Mga Babala at Paghahanda sa Panganib:
BABALA
Palaging kargahan ang mga baterya sa labas ng kapaligiran ng pasyente (hindi bababa sa 4.6 m
(15 ft.) mula sa pasyente).
Iwasang maabot ng mga bata.
Ilayo ang baterya mula sa kapaligirang nagliliyab. Ang maling pangangasiwa ay maaaring labis na
magkarga o makasira sa baterya.
Gamitin lamang ang docking station na ibinigay ng Natus o power supply na ibinigay ng Natus na
direktang nakakabit sa aparato upang kargahan ang baterya. Ang mga charger ng baterya na
hindi aprubado ng Natus ay maaaring hindi matugunan ang mga pamantayang pang-elektrikal at
pangkaligtasan. Maaaring magdulot ng pinsala sa aparato ang paggamit ng ibang charger at hindi
mananagot ang Natus sa mga pinsalang dulot ng paggamit ng mga ito.
Kargahan lamang ang baterya sa Natus Echo-Screen III screener o sa Natus Echo-Screen III
docking station. Ang pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring magresulta sa sunog,
pagsabog, pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
Huwag kargahan o ikabit ang baterya kapag basa ng alcohol ang screener o docking station. Ang
pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis
na pag-init o pinsala sa baterya.
Huwag kargahan ang baterya na malapit sa pinagmumulan ng init o sa ilalim ng direktang sikat ng
araw. Ang pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog,
pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
Huwag ilagay ang baterya na nakadikit sa mga bagay na metal.
Huwag direktang ikabit ang baterya sa isang power outlet. Ang pagkabigong sumunod sa babala
ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
Huwag kalasin o baguhin ang baterya. Ang pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring
magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
Iwasang mabagsak o mabutasan ang baterya o mapasailalim ito sa isang matalas na puwersa.
Ang pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas,
labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
Huwag na huwag ilubog ang baterya sa tubig o ibang likido. Ang pagkabigong sumunod sa
babala ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa
baterya.
Huwag gamitin ang baterya kung may mapansin kang pag-iiba ng kulay, mga depormidad, mainit-
init hanggang sa mainit na temperatura o mga amoy na nagmumula sa baterya. Ang pagkabigong
sumunod sa babala ay maaaring magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na pag-init, o
pinsala sa baterya.
Huwag gamitin ang bateryang ito sa iba pang kagamitan. Dapat lamang gamitin ang bateryang ito
sa Natus Echo-Screen III screener at docking station. Ang pagkabigong sumunod sa babala ay
maaaring magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na pag-init, o pinsala sa baterya.
Mag-ingat na maiwasang tumulo sa mga contact ang sobrang alcohol o masabong tubig papunta
sa loob ng aparato, baterya, o docking station. Huwag ilublob ang aparato sa tubig o iba pang
solusyong panglinis. Ang kabiguang sumunod sa tagubiling ito ay maaaring makasira sa aparato
o docking station, o magresulta sa pag-short ng kuryente ng baterya, pagkasunog, o
pagkakuryente.
Pahina 4 ng 9

Publicidad

loading