Descargar Imprimir esta página

Mga Espesipikasyong Pangkapaligiran - natus Echo-Screen III Instrucciones De Uso

Ocultar thumbs Ver también para Echo-Screen III:

Publicidad

BABALA
• Huwag gamitin ang bateryang ito sa iba pang
kagamitan. Dapat lamang gamitin ang bateryang ito
sa Natus Echo-Screen III screener at docking station.
Ang pagkabigong sumunod sa babala ay maaaring
magresulta sa sunog, pagsabog, pagtagas, labis na
pag-init, o pinsala sa baterya.
• Mag-ingat na maiwasang tumulo sa mga contact ang
sobrang alcohol o masabong tubig papunta sa loob
ng na aparato, baterya, o docking station. Huwag
ilublob ang na aparato sa tubig o iba pang solusyong
panglinis. Ang kabiguang sumunod sa tagubiling
ito ay maaaring makasira sa na aparato o docking
station, o magresulta sa pag-short ng kuryente ng
baterya, pagkasunog, o pagkakuryente.
MAG-INGAT
• Kung hindi gagamitin sa mahabang panahon ang
screener at docking station ng Echo-Screen III,
alisin sa pagkakasaksak ang kurdon ng AC power
mula sa outlet at alisin ang mga baterya mula sa
screener at docking station.
• Huwag bubuksan, baguhin, o pagkalas-kalasin ang
baterya.
• Ang mga terminal ng baterya ay hindi dapat
i-short-circuit sa anumang pagkakataon.
• Itago ang baterya sa kalagayang nakadiskarga
kung hindi gagamitin ang na aparato sa mas
mahabang panahon upang mapatagal ang baterya.
Kung kapansin-pansing maikli ang itinatagal ng
baterya, maaaring nag-expire na ang itinatagal ng
baterya. Palitan ang baterya ng bagong baterya.

Mga Espesipikasyong Pangkapaligiran:

Mga Kondisyon sa Pagpapatakbo:
• Temperatura: 5°C hanggang 40°C (41°F hanggang
104°F)
• Relatibong Halumigmig: 5% hanggang 90%
non-condensing (hindi namumuo ang tubig)
• Presyon ng Atmospera: 230 hPa hanggang 1060 hPa
Mga Kondisyon sa Pag-imbak:
• Temperatura: -30°C hanggang 55°C (-22°F hanggang
131°F)
• Relatibong Halumigmig: 5% hanggang 90%,
non-condensing (hindi namumuo ang tubig)
• Presyon ng Atmospera: 230 hPa hanggang 1060 hPa
Deklarasyon ng Pagtalima para sa
IEC 60601-1-2: Ed. 4.0 (2014)
Ang Echo-Screen III Pro na aparato ay sinadya para
gamitin sa electromagnetic na kapaligiran na tinukoy sa
Echo-Screen III IFU 026057. Dapat tiyakin ng customer
o ng gumagamit ng Echo-Screen III Pro na aparato na
ginagamit ito sa naturang kapaligiran.
Mga Tagubilin sa Pagtatapon:
Nakatuon ang Natus sa pagtugon sa mga hinihingi ng
European Union WEEE (Waste Electrical and Electronic
Equipment) Regulations 2014. Isinasaad ng mga
regulasyong ito na ang mga elektrikal at elektronikong
basura ay dapat kolektahin nang hiwalay para sa
wastong paghawak at pagbawi upang matiyak na muling
magagamit o mare-recycle nang ligtas ang WEEE.
Alinsunod sa pangakong iyon, maaaring ipasa ng Natus
ang obligasyon para sa pagbawi at pag-recycle sa mga
mismong gumagamit, maliban kung gumawa ng ibang
pagsasaayos. Pakikontak kami para sa mga detalye
tungkol sa mga sistema ng pagkolekta at pagbawi na
mayroon sa iyong rehiyon sa natus.com.
Naglalaman ang electrical at electronic equipment (EEE)
ng mga materyales, bahagi at sangkap na maaaring
maging mapanganib at magharap ng panganib sa
kalusugan ng tao at sa kapaligiran kapag hindi tama ang
paghawak sa WEEE. Samakatuwid, ang mga mismong
gumagamit ay mayroon ding gagampanang papel sa
pagtiyak na muling magagamit at mare-recycle nang
ligtas ang WEEE. Ang mga gumagamit ng mga elektrikal
at elektronikong kagamitan ay hindi dapat magtapon
ng WEEE kasama ng iba pang basura. Dapat gamitin
ng mga gumagamit ang mga pambayang pamamaraan
sa pagkolekta o ang obligasyon sa pagbawi ng
prodyuser/importer o mga lisensyadong tagapagdala
ng basura upang mabawasan ang masasamang epekto
sa kapaligiran na may kaugnayan sa pagtatapon ng
basurang elektrikal at elektronikong kagamitan at
upang mapataas ang mga oportunidad para sa muling
paggamit, pagre-recycle at pagbawi ng mga basurang
elektrikal at elektronikong kagamitan.
Ang mga kagamitang minarkahan ng nasa ibabang
basurahan na may ekis ay elektrikal at elektronikong
kagamitan. Ang simbolong basurahan na may ekis ay
nagpapahiwatig na hindi dapat itapon ang basurang
elektrikal at elektronikong kagamitan kasama ng hindi
pinaghiwalay na basura ngunit dapat kolektahin nang
hiwalay.
Pagtatatwa:
Hindi mananagot ang Natus Medical Incorporated sa
pinsala, impeksyon o iba pang pagkasira na nagmumula
sa paggamit ng produktong ito.
Anumang malubhang insidente na nangyari nang
may kaugnayan sa na aparato ay dapat iulat sa Natus
Medical Incorporated at sa may kakayahang awtoridad
ng Miyembrong Estado kung saan naninirahan ang
gumagamit at/o pasyente.
Sumangguni sa websayt ng Natus para sa elektronikong
kopya ng dokumentong ito.
107

Publicidad

loading