Descargar Imprimir esta página

Marshall ACTON III Manual Online página 74

Publicidad

Idiomas disponibles
  • MX

Idiomas disponibles

  • MEXICANO, página 248
ACTON III - FULL ONLINE MANUAL
MGA TAGUBILIN
PAGSISIMULA
I.
Ikonekta ang mains lead sa mains input sa speaker mo, pagkatapos ay
isaksak ang mains plug sa dingding.
II. Gamitin ang power switch para i-on ang speaker.
III. I-download ang Marshall Bluetooth app at sundin ang mga tagubilin sa
loob ng app para i-set up ang speaker mo.
Mahalaga: Palaging tiyaking tumutugma ang mains lead, plug at speaker sa
iyong mains supply at saksakan sa dingding.
Pag-iingat: Palaging hugutin ang mains lead sa saksakan sa dingding bago ito
idiskonekta sa speaker.
PAGPAPARES NG BLUETOOTH
I.
Gamitin ang button ng source para piliin ang Bluetooth.
II. Pindutin nang matagal ang button ng source hanggang sa pumintig nang
pula ang LED ng Bluetooth.
III. Piliin ang ACTON III sa listahan ng Bluetooth ng audio device mo.
Maikokonekta ang Acton III sa dalawang Bluetooth device nang magkasabay.
Kung may nakakonektang device na nagpe-play, hindi makakapagsimulang
mag-play ang isa pang nakakonektang device hanggang sa ma-pause ang
unang device.
PAGKOKONEKTA NG AUX DEVICE
I.
Magsaksak ng 3.5 mm na stereo jack sa AUX input sa itaas ng speaker.
II.
Isaksak ang kabilang dulo ng lead sa output na audio sa source ng audio mo.
III. Gamitin ang button ng source para piliin ang AUX.
Tandaan: Hindi kasama ang mga audio lead.
NETWORK STANDBY MODE
Mapupunta sa network standby ang Acton III kung hindi ito magagamit
nang 10 minuto para makatipid ng kuryente. Madidiskonekta ang anumang
nakakonektang Bluetooth device.
Gamitin ang anumang kontrol o button sa panel sa itaas, magkonekta ulit ng
Bluetooth device o mag-play ng kahit ano gamit ang mga pisikal na input para
gisingin ang speaker.
BACK TO INDEX
WIKANG FILIPINO
074

Publicidad

loading