Mahahalagang Babala sa Kaligtasan
Tungkol sa Genius 2D. Ang Genius 2D ay dinisenyo para sa pagkakarga ng mga bateryang may 12V lead-acid, kabilang ang mga Basa (Likidong Solusyon), Gel,
MF (Maintenance-Free), CA (Calcium), EFB (Enhanced Flooded Battery), at AGM (Absorption Glass Mat). Ito ay angkop sa pagkarga sa bateryang may kapasidad nang
hanggang 40 Amp-oras at pagpapapnatili ng lahat ng laki ng baterya. Pagsisimula. Bago gamitin ang charger, basahing mabuti ang mga partikular na payo para
sa pag-iingat at rekomendadong dami ng karga para sa baterya. Tiyakin na alam ang boltahe at kemistri ng baterya sa pamamagitan ng pagbasa sa iyong manwal
bago kargahan. Lokasyon at Pagkakabit. Ang Genius 2D ay dinisenyo upang manatiling direktang konektado sa isang baterya. Iwasang mapunta ang asido ng
baterya sa produkto. Huwag gamitin ang produkto sa isang saradong lugar o isang lugar na kulang sa bentilasyon. Huwag direktang ikabit sa baterya. Huwag ilagay
ang baterya sa ibabaw ng produkto. Ikabit ang charger malapit sa baterya, tiyakin na ang mga kable at charger ay ligtas at malayo sa anumang gumagalaw na mga
bahagi (hal. elise ng bentilador, sinturon, mga kalo). Huwag hayaan na maipit ang mga kable, maputol, mapinsala ng hood o ng iba pang gumagalaw na mga bahagi,
dahil maaaring maging sanhi ng short circuit, na maaaring mag-resulta ng pinsala sa ari-arian, sugat at/o pagkamatay. Proposisyon 65. Ang mga poste ng baterya,
mga terminal, at mga kaugnay na piyesa ay naglalaman ng mga kemikal, kabilang ang tingga. Ang mga materyales na ito ay kilala sa Estado ng California na nagiging
sanhi ng kanser at mga depekto sa panganganak at iba pang panganib sa pag-aanak. Personal na Pag-iingat. Gamitin lamang ang produkto ayon sa dapat
paggamitan. May isang taong dapat ang na makakarinig sa iyo o nasa malapit husto upang sumaklolo sa iyo sa oras na may mangyari. Maglagay ng malinis na tubig
at sabon sa malapit kung sakaling magkaroon ng kontaminasyon sa asido ng baterya. Magsuot ng kumpletong proteksyon sa mata at proteksyong kasuotan habang
nagtatrabaho malapit sa baterya. Palaging hugasan ang mga kamay pagkatapos na humawak ng mga baterya at iba pang mga materyales. Huwag hawakan o
magsuot ng anumang mga bagay na metal habang gumagamit ng baterya kasama ang: mga tool, relo o alahas. Kapag ang metal ay nalaglag sa baterya, maaari
itong sumiklab o maglikha ng short circuit na magreresulta sa pagkakuryente, sunog, pagsabog, na maaring magresulta ng pinsala, pagkamatay o pinsala sa ari-
arian. Mga menor de edad. Kung ang produkto ay layunin ng "Mamimili" na gagamitin ng isang menor de edad, ang matandang bibili ay sang-ayon na magbigay
ng mga detalyadong tagubilin at mga babala sa menor de edad bago gamitin. Ang pagkabigong gawin ito ay ang tanging responsibilidad ng "Mamimili", na sumang-
ayon na bayaran ang NOCO para sa anumang di-pinipintong paggamit o maling paggamit ng isang menor de edad. Panganib na Mabulunan. Maaaring
mabulunan ang mga bata sa mga piyesa. Huwag pabayaan ang mga bata na hawakan ang produkto o anumang piyesa. Ang produkto ay hindi laruan. Paghawak.
Gamitin ang produkto nang may pag-iingat. Maaaring masira ang produkto kapag nabunggo. Huwag gamitin ang produktong may sira, kabilang ngunit hindi limitado
sa mga bitak sa kaha, or sirang mga kable. Huwag gamitin ang produkto na may sirang kurdon ng kuryente. Ang halumigmig at mga likido ay maaaring makapinsala
sa produkto. Huwag gamitin ang produkto o anumang mga de-kuryenteng bahagi na malapit sa anumang likido. Itago at gamitin ang produkto sa mga tuyong lugar.
Huwag gamitin ang produkto kung ito ay basa. Kung ang produkto ay nabasa habang ginagamit, alisin ito mula sa baterya at agarang itigil ang paggamit. Huwag alisin
ang produkto sa pamamagitan ng paghila sa mga kable. Mga Modipikasyon. Huwag tangkaing ibahin, baguhin o kumpunihin ang anumang bahagi ng produkto.
Ang pagkalas sa produkto ay maaaring maging sanhi ng pinsala, pagkamatay o pinsala sa ari-arian. Kung ang produkto ay nasira, hindi gumana o malagyan ng
anumang likido, itigil ang paggamit at makipag-ugnayan sa NOCO. Ang anumang pagbabago sa produkto ay magpapawalang bisa sa inyong warantiya. Mga Piyesa.
Ang produktong ito ay aprubado lamang na gamitin sa mga piyesa ng NOCO. Ang NOCO ay hindi mananagot para sa kaligtasan o pinsala ng gumagamit, kapag
gumamit ng mga piyesa na hindi aprubado ng NOCO. Temperatura ng Paggamit. Ang produktong ito ay dinesenyo upang gumana sa mga temperatura sa pagitan
ng -20 ° hanggang +60°C. Huwag gamitin sa labas ng mga naturang temperatura. Huwag kargahan ang nanigas ng baterya. Itigil agad ang paggamit ng produkto
kapag uminit nang husto ang baterya. Pagtatago. Huwag gamitin o itago ang iyong produkto sa mga lugar na may mataas na konsentrasyon ng alikabok o mga