WOBURN III - FULL ONLINE MANUAL
MGA TAGUBILIN
PAGSISIMULA
I.
Ikonekta ang mains lead sa mains input sa speaker mo, pagkatapos ay
isaksak ang mains plug sa dingding.
II. Gamitin ang power switch para i-on ang speaker.
III. I-download ang Marshall Bluetooth app at sundin ang mga tagubilin sa
loob ng app para i-set up ang speaker mo.
Mahalaga: Palaging tiyaking tumutugma ang mains lead, plug at speaker sa
iyong mains supply at saksakan sa dingding.
Pag-iingat: Palaging hugutin ang mains lead sa saksakan sa dingding bago ito
idiskonekta sa speaker.
PAGPAPARES NG BLUETOOTH
I.
Gamitin ang button ng source para piliin ang Bluetooth.
II. Pindutin nang matagal ang button ng source hanggang sa pumintig nang
pula ang LED ng Bluetooth.
III. Piliin ang WOBURN III sa listahan ng Bluetooth ng audio device mo.
Maikokonekta ang Woburn III sa dalawang Bluetooth device nang
magkasabay. Kung may nakakonektang device na nagpe-play, hindi
makakapagsimulang mag-play ang isa pang nakakonektang device hanggang
sa ma-pause ang unang device.
PAGKOKONEKTA NG AUX DEVICE
I.
Magsaksak ng 3.5 mm na stereo jack sa AUX input sa itaas ng speaker.
II. Isaksak ang kabilang dulo ng lead sa output na audio sa source ng audio
mo.
III. Gamitin ang button ng source para piliin ang AUX.
Tandaan: Hindi kasama ang mga audio lead.
PAGKOKONEKTA NG RCA DEVICE
I.
Magsaksak ng lead na may mga RCA jack sa RCA input sa likod
ng speaker.
II. Isaksak ang kabilang dulo ng lead sa output sa source ng audio mo.
III. Gamitin ang button ng source para piliin ang RCA.
Tandaan: Ang turntable ay dapat may RIAA amplifier o nakakonekta gamit ang
isang hiwalay na preamplifier. Hindi kasama ang audio lead at RIAA amplifier.
BACK TO INDEX
WIKANG FILIPINO
074