WILLEN - FULL ONLINE MANUAL
MGA TAGUBILIN
PAGLILINIS NG SPEAKER
Regular na linisin ang iyong speaker para mapanatili
itong bago at mas magtagal ito
Alisin sa saksakan ang anumang lead bago linisin ang speaker at tiyaking
tuyong-tuyo ang lahat bago magsaksak ng anumang USB power source
Puwedeng alisin at linisin nang hiwalay ang silicone sleeve at strap Gumamit
ng disinfectant wipe o lint-free cloth, basain nang kaunti ng 70% isopropyl
alcohol o 75% ethyl alcohol para marahang linisin ang mga silicon na bahagi
Patuyuin ang mga ito gamit ang basahan bago ikabit ulit ang mga ito
sa speaker
Maingat na linisin ang mesh at mga opening ng speaker
gamit ang tuyo at malambot na brush o cotton buds
•
Huwag gumamit ng anumang matalas o bakal na bagay
•
Huwag gumamit ng compressed air
•
Huwag gumamit ng mga produktong may bleach o hydrogen peroxide
•
Huwag ilubog ang speaker sa anumang cleaning agent
GABAY SA PAG-AALAGA NG BATERYA
Mayroong high-performance lithium-ion battery ang iyong baterya at
naaapektuhan ng pagcha-charge at paggamit ang buhay nito Sundin ang
mga alituntunin sa ibaba para manatiling maayos ang iyong baterya
hangga't posible
•
Iwasang gumamit ng mga fast charger kung posible Hindi
nakakabuti ang fast charging sa baterya at nakakasira ito dito
•
Iwasang i-charge ang baterya kapag puno na ito o hayaan itong ma-
drain Subukang panatilihin ang charge sa pagitan ng 30% at 80%
•
Kung matagal na hindi gagamitin ang speaker, gawin ito nang kalahati
ang charge ng baterya sa malamig, madilim, at tuyong lugar
•
Huwag gamitin o i-charge ang speaker sa maiinit at walang hanging
lugar na may temperaturang 45°C/113°F pataas, gaya ng sa naka-
park na kotse at sa tabi ng bintanang direktang nasisinagan ng araw
•
Iwasang i-charge ang baterya sa malalamig na
temperaturang wala pang 10°C/50°F at iwasang gamitin
ang speaker sa temperaturang wala pang 0°C/32°F
•
Iwasan ang malalakas na pagkakabunggo gaya ng pagkahulog ng
speaker sa matitigas na surface dahil posible nitong masira ang baterya
BACK TO INDEX
WIKANG FILIPINO
062